Ang Kumakanta, Ang Bulag at Ang Nagtitinda

Original Link : kristina15.blog.friendster.com
Posted by kristina15 on 30th July 2006

aba’t akalain mo.  mantakin nyo banamang ang tatlong to ang nagpagulo sa aking mapayapang pag-iisip. sino-sino nga naman ba sila? at ano ang koneksyon nila sa isa’t isa? well. lahat sila nakilala ko habang ako ay nasa bus.

ang una sa king nagparamdam ay ang kumakanta. nasa may harap ako nun at sa salamin ay napansin kong me itsura ang aking katabi. mayamaya ay may umakyat na isang bata na may improvised na drum. traffic kaya dinig ko ang matinis nitong boses. yun nga lang di ko maintindihan. parang kinakain lang nya ang laman ng kanyang mga salita. ni hindi ko malaman ang message na pinaparating nya. ang alam ko lang, lokal na wika yun. nang matapos sya, nagbigay naman sya ng envelope. sa likod sya kumanta at pumasok pero sinuyod nya ang dalawang dulo nito para lang magabot ng envelope. inabutan nya rin ako.

ang pangalawa ay ang bulag. sa me dulo ng coastal road ko sya nakita, akay-akay ng isang lalaki. akala ko tatawid lang. yun pala, nangangatok sa mga magagarang sasakyan para makahingi ng piso.
ang pangatlo, ang nagtitinda. bago sya magtinda ay namigay muna sya ng isang card na may nakasulat na isa syang working student na nangangailangan ng tulong para patuloy syang makapagaral. sa dulo pa nga noon ay may nakasulat na: "P.S. Bili na kayo plsssssss…" (yeap…marami po syang nilagay na s.) ang tinitinda nya ay makapuno at yung ibang sweets na mas mahal ng limang piso (aba totoo naman no! nabili ako nun tas sya ang mahal magbenta, e pareho lang naman ng itsura!)

bukod sa lahat ay nakilala ko sa bus, lahat yun ay…di ko pinagbigyan.
di ako bumili.
di rin ako nanglimos.
ang pangit pa nga nung unang karanasan kasi kahit di binigyan ng envelope e pinahabol pa nung lalaking katabi ko yung "abuloy" nya.
ganun din sa bumili. di rin ako napabili ng "card" nya.

bakit?

yung bata, kasi di ko maintindihan yung kanta. besides, me nakikita akong mga batang ganun na umaakyat para kumanta.

yung bulag kasi nasa bus ako non, sya nasa baba, lumilibot sa nakaantay na traffic.

yung nagtitinda, kasi estudyante rin ako, ang perang hawak ko ay binigay lang sa kin ng aking mga magulang para may magamit sa araw-araw na pinaghirapan nila magdamag at hindi biro ang pagtitipid na ginagawa ko sa isang araw.

ang iniisip ko kasi, hangga’t nasasanay sila na binibigyan mo sila ng mamiso sa araw-araw ay matututo silang makontento sa kung ano ang binibigay ng mga taong naghihirap ipunin sa isang araw. oo narun na ko sa sila rin naman. kaya nga sila nanghihingi ng tulong. pero iba na rin kasi ang umaasa sa ganung buhay. hindi naman dadami ang mga ganyan sa kalsada kung alam nilang walang maawa sa kanila di ba? hindi nila pipiliting magsumikap para magkaron ng mas permanenteng buhay. tamad silang magdevelop ng mga skills o kaya naman ay tumulong sa palengke, karinderya atbp. mas mataas nga ang tingin ko sa mga yun kasi alam ko mas gugustuhin nilang magtrabaho kesa sa makuntento sa nakikiamot ng piso sa iba. tao rin sila. asan ang dignidad nun? 

yung etudyante, kaya naman nyang magapply sa mga fastfood chains ah! yung bulag, maari syang magtinda kasama yung lalaking nakaakay sa paglalakad nya. at yung mga bata…dapat sa kanila naglalaro. karapatan nilang maging masaya habang bata pa. hindi yung ginagawa ng mga tamad na magulang na di magawang magbanat ng buto at umaasa sa pakain na iniuuwi ng kanilang mga anak. kung tutuusin, walang pinagkaiba ang sitwasyon sa mga taong di nag-aral at nangongopya na lang sa pinaghirapang sagot na inaral buong magdamag. nakakasuka ang ganoong pag-uugali. kung tutuusin, kahit man lang konting pride at backbone…tubuan naman sana…

"Give man a fish and you feed him for a day; but teach him how to catch a fish and you feed him for a lifetime,"-Japanese proverb.


Comments

Popular posts from this blog

T&J Weds: Getting a License at the Mandaluyong City Hall during the Pandemic (2021)

TME: Getting your NBI Clearance Easy

SNAP: BPI Express Credit Card: Ridiculously fast.