Yey Ram! (Year End Blog)
Yey! Taon na ng isa sa pinakapaborito kong mga hayop-- Baka. Yeap. Baka/Ram/Ox. Magkakamukha lang ang stuff toy nyan kaya ok lang. Naalala ko tuloy me friend ako nung college na niregaluhan ako ng isang hard-to-find na cow plushie na tinawag kong Ram. Pero nge. Napakarami nang baka toys. Nakakainis. Lahat na halos ng tao meron.
Babye na 2008. It's nice to know you pero I have to move on na. Marami-rami rin akong nagawa noong panahon mo. And I am so proud na marami rin akong naexperience na bago this year. Andyan yung first year ko sa work ko as developer, first time ko sa LaMesa Eco-park at sa intramuros (after 4 or so years), same thing sa pagpunta namin sa province namin na grade5 or 6 ang last kong punta, nagouting kami sa CME, first time ko rin sa Camp Aguinaldo at FunRanch(Muntinlupa, andon yung mga anak ni Aga at Charlene huh?!) for our Xmas Parties. I've also been to Tagaytay (first time with my pinsans & pamangkins), had a lunch out with a few of my girlfriends at Dencio's, ate at Lord Stows for the first time, had my birthday all for my own, my migration to multiply, updated almost entirely the should-be-rehabilitated (haha sa term) pages of my scrapbook so I can finally move on se medyo lagging na ko sa mga events sa buhay ko, faced one of my greatest fears (wink wink!) head up high, had a new hair style (rebonded) and so many new food tasted & more food delivered to our house, more movies and series watched and more books I read and owned!
Pero this year, syempre di pa rin ako papaawat. Hahanapin ko pa rin talaga yung Hot Fuzz original DVD, kukumpletuhin ko lahat ng Pugad Baboy (pero baka magtira ako ng isa para pag pumunta kami ng komikon me mapapapirma ako), lahat na hardbound copies ng Twilight at Harry Potter(1-6, meron ako nung 7. binili ko nung mismong araw ng release.) after kong bumigay na hindi na lang talaga yung huling copy ang bibilhin ko at para fair sa lahat. Naisip ko na ang gastos. Kulang kulang 7K yung tatlong yan. Hmm. Dapat magstart na magipon. Pag kinaya pa lahat naman ng hardbound ni Jostein Gaarder. Haha. So exciting naman!!!
Sa movies, I'm looking forward for one film as of today, The Curious Case Of Benjamin Button. Syempre this year din ang HP at New Moon. I know, I know. Gagawan ko na naman sila ng 2-star rating sa reviews. Magsasayang na naman ako ng pera sa mga ganong palabas na nagandahan ako sa book. Siguro gusto kong maniwala na somehow, papasa na rin sya sa panlasa ko. ^_^.
Sa series naman, syempre tinatanong pa ba yan, Lost! Sana lang hindi sya mag-'jumped the shark'. Yung Fringe naman nakita ko na at last yung isang sched nya sa isang local channel. Pangasar. Nahuli na ko. At aksidente pang nakita ko! Pero papanoorin ko na rin kahit nalate. Sana lang umabot sa expectations ko yung mga naririnig kong magandang feedback sa kanya. And speaking of series, tama ang binabalak kong pababain ang presyo nila! Umaabot na 900+php na lang yung mga season one ng mga nakita kong paborito kong series. Isasama ko rin yan sa want list ko.
Syempre gusto ko na ring magapply ng (mga) credit card se alam kong mas tataas na ang rate ko this jan, not to mention na I don't really have a choice do I Bong? Just do something with my missing tin #, you!!! Argh! Ikaw lang ang nagpapalayo sa kin ng chances na mabili lahat ng gusto ko! Pangasar ka talaga.
At hmm... Marami akong nakareconcile na people starting nung h.s. Marami akong nabalitaan na di ko ineexpect sa mga taong nakapaligid sa kin. Marami sa kanila, nagkaroon ng babies, may isang...uhm. Nagdepart na, marami ding nag-abroad at lumipat ng trabaho-- na baka gawin din namin this year!
At bago ko malimutan. Oo. May someone who made my last quarter happy. Yeap there wasn't a time na naisip ko ang possibility na maging kami. But still, I'm happy for all the memories. He is one of those people na I'm very grateful I met and made him know that I existed. That's just how it is na lang and I'm contented with that.
So what do I expect this year other than books, movies and series? I'm expecting me who knows how to budget, me, much more confident, me, to be more creative, me to be stronger. O ha. Marami akong wish, pero marami private na. But I do wish na yung change na gusto naming gawin (ni Mark at Chardy) yung pagreresign to graze greener pastures e sana maging successful. Na it may not be the bestest best (sa kin lang yan), e maging best for now. And I hope it would be enough. See you all this year then?! Mwahness!
Comments
Post a Comment