For Public Use Only
note: uhm di pa po to tapos. but this article i wrote was ages ago. I thought I should do myself a favor and post it na lang. waheheh... apologies...
Aguinaldo Highway
Kung nakatira ka sa Cavite, hindi mo kailanman mamimiss ang Aguinaldo Highway. Simula ng mag-college ako at magkatrabaho, mas matagal na ang ginugol kong oras sa daanang ito kaysa sa bahay. Paano banaman, ilang oras na byahe rin ang tinatagal ko rito makapasok lang (Pero syempre, mas madalas na ako ngayon sa Daang Hari). Marami na ang nakinabang at patuloy na nakikinabang dito. Andyan yung mga nagdedeliver ng goods, yung mga trabahador na nakatira sa Cavite at namamasukan sa kalakhang Maynila, mga akyat-bus vendors, malls, eskwelahan atbp. Ang laki nga ng naitulong nito sa akin. Dito, nagiging madali para sa akin ang pagiisip ng mga maaring isulat, ireview ang mga nangyari ng buong araw at makapahinga na rin kahit papaano sa maghapong pagpunta-punta ko sa kung saan-saan. Pero syempre andyan na rin yung sinisi ko na rin ito ng maka-ilang beses dahil sa aking pagkalate - dalawang late na hinding hindi ko makakalimutan.
Ang unang beses na halos himatayin ako sa pagkalate ay noong eleksyon (nalimutan ko na kung anong taon). Tanghali pa ang pasok ko non, pero naging habit ko na na umalis ng maaga. Tatlong oras ang ina-llot ko noong araw na iyon. Tatlong oras na parang wala lang.
Nakasakay ako non sa jeep at nakapuna na grabe na ang siksikan ng sasakyan sa lane ng paluwas. Wala pa kami halos sa Imus noon pero sabi ko sa sarili ko, matagal pa naman ang oras. Pwede pa kong mag-aral mamaya para sa quiz sa trigonometry. Pero infairness. nakakabore ang nakaupo lang. Sinubukan kong basahin ang notes ko. Sinubukan kong intindihin yung laman kaso wala namang pumapasok sa utak ko. Hindi na yon nakakagulat kasi yun ngang normal na walang exam wala na akong maintindihan don e yun pa kayang nagbu-build up na yung pressure sa utak ko. Mayamaya sinubukan kong maglaro sa cellphone. Tapos mamaya nireview ko yung schedule ko. Aha. Wala pa rin. Maya-maya isang oras na lang time na. Naku lagot. Wala pa sa kalahati ang byahe ko. Paano na??
Nagpapanic na ko kasi dehado na ko sa klase na yon. Ang quiz na yon ay mahalaga sa ika-tataas ng grade ko. At ang record. Ang record ng hindi nale-late. Madudungisan pa ata. Kung pwede lang sana lakarin ang Cavite-Makati ng hindi napupudpod ang swelas ng sapatos ko (At syempre kung feasible nga ito sa ganitong panahon).
Hindi na ako nakaabot sa exam o kahit sa klase na iyon. Mga alas dos na kasi ako nakarating. Nakakainis kasi hindi na rin ako pinagbigyan kumuha ng exam. Ang masaklap pa non, ako pa ang nasabihan na bakit kasi hindi ako umalis ng maaga. Naku... Kung alam ko lang na darating ang politiko na iyon. E di sana...
Bakit ba kasi ganon? Kung sino pa ang politiko sya pa ang hari ng daan. Andyan yung napakaraming pila ng mga luxury cars at ang mga nakamotor na palibot sa kanila. Di bale nang ma-late ang mga factory worker, construction worker, at kung anu-anong pang uri ng obrero makarating lang sila sa pupuntahan. Para nga naman daw hindi sila 'ma-late' sa isang 'mahalagang pagpupulong'. All that work para makarating sila ng (pero wag ka, atrasado pa rin sa oras!) at minsan, tinutulugang (malas mo kung 5 mins lang sya ron) pagpupulong para nga naman sa 'benefit of the many'. Isipin mo nga naman, ano nga ba ang halaga ng first job interview mo sa meeting de abanse ng mga politiko?
Isa pa sa instance na ako ay na-late (this time sa trabaho naman) ay noong nagkaroon ng aksidente sa may Longos. Tumaob raw ang bus at na-congest na ang buong Aguinaldo Highway. Umabot na nga raw ito hanggang Dasma. Kahit yung looban na mga kalsada no good na rin. Hmm. Maisip ko nga. Ano bang magagawa ng kaalaman ko na umabot na ito ng Dasma? Ah, tama. Na swerte pa pala ako dahil tanaw ko na ang Rob-Imus. Wow! Lalakarin ko na lang siguro hanggang Imus palengke. Ang swerte ko noh? (Sarcastic yon, just in case hindi nyo nakuha)
Pagod na pagod ako pagkarating ng terminal na sinasakyan ko papuntang Alabang. Nakahabol lang nga ako sa isang van doon. Buti na lang at nabilang ako sa mga mapapalad na kasama sa kaisa-isang van na nakabalik (Iba ang interpretation doon ng ka-officemate ko). Alam ko na rin kung gaano ako ka-late. Hindi ko na kasi makilala ang mga kasabay ko. Wala nang naka-formal o nakapang-opisina. At Monday pa yun huh.
Sa van, walang tigil sa kakaulit si Manong (itago na lang natin sa pangalang Roy) na first time nyang male-late sa trabaho at mawawalan sya ng 2k bonus dahil sa kaisa-isang late na iyon. Na sana bigyan sya ng konsiderasyon dahil maaga naman talaga sya umalis. Nagkataon lang talaga na nagka-aksidente.
Halos ganyan naman ang kaso ng isa ring nursing student na kasabay ko. Bale yung mom nya yung kinukwentuhan ni Roy ng bonus nya. Ito naman estudyanteng ito, board exam nya at late na sya. Kawawang bata. Ang hirap naman non. Nakakapressure na nga yung exam, malelate ka pa. Di ko lang alam kung naka-pag-take pa sya. Pero sana nga. Sayang naman yun. Pero pano nga ba nagkaron ng ganoong kagrabeng traffic? Me tumagilid na nga dati roon na softdrink vehicle pero hindi naman naging ganon kagrabe. Ay oo nga pala. Kaninang madaling araw pa pala yon nakataob at hindi lang inaaksyunan. Kasi inisip nila na di naman sagabal yon. Ano nga naman ba ang epekto ng isang nakataob na bus laban sa matinding monday morning rush hour? No match.
Center Island
Kung aksidente sa kalsada ang labanan, wala nang tatalo pa sa mga center islands sa may Silla's at sa Bayan Luma. Simula ata ng tinayo ang dalawang magkasunod na center island na yan e nadaig pa nila ang mga basketball players sa kakascore ng points kung saan ang mas maraming naaksidenteng sasakyan kaysa napagsisilbihang mamamayan. Parang janitor fish na imbes na solusyon e problema ang dulot. At hindi lang basta jeep o kaya bus ang pinupuntirya nila. Mga 6-wheeler trucks ang niyuyupi nila. Natawa nga ko don kasi hindi pa sya nabuwanan sa pagkakatapos (maalala ko nga pala, masikip na daloy ng traffic rin lang naman ang kinause nya nung kasalukyang ginagawa sya) e unti unti nang nagagalusan ang makinis nitong pink na katawan. Ang pinakahuli nga atang combo niya e yung sabado na namili kami sa makro (uuy first time ko don!). Mga alas onse kami bumyahe gamit ang aming car (woohoo car daw oh! sige masilaw ka!) me naabutan kami rong nabangga. Tatlo silang private vehicle na naloko ng center island. At kung akala nyo natatapos don ang kwento, yung isang sasakyan don, aba, nauna lang sa min magpatakbo. Ayun, nakita na lang namin na kasali na sa mga biktima ng buhay na center island.
Noong nakaraang Linggo, nadaanan uli namin yung isa sa center island sa Sillas. Island nga talaga dahil tila lumubog na sya katulad ng ilan sa isla sa Pilipinas. Hindi na namin sya makita. Tinibag na ito. Ang solusyon naman lang na hinihingi ng mga taga-roon ay lagyan man lang nila ng pailaw dahil hindi ito makita lalo na pag madaling araw. Pero gaya ng desisyon na tayuan ito ng center island in the first place (kung saan marami ang tutol at nagtataka bakit ba ito tinayo talaga), minabuti na lang nila na tibagin ito ng tuluyan. Sabi ko tuloy, ang tali-talino ng nasa likod ng proyektong ito. Ni hindi man lang pinag-aralan kung dapat ngang magkaroon doon ng center island kaya ngayon, sisirain na lang nila. Para kang bumili ng gamit na hindi naman nakabuti sa iyo kaya dapat nga lang na itapon mo lang. Iyon ay KUNG gamit AT pambili MO iyon. Iba na ang kaso kung yun ang pinaghirapan mong buwis na ginastos lang sa ganyang paraan. Di bale nga sana kung itatapon at kakalimutan mo na lang. Kaso sa parehong pagkakataon ng pag-acquire at pagdespatsa, kailangan mong gumastos at iawas sa nilamay mo sa maghapon. Tsk tsk.
Lamp Post
Kung tama ang tanda ko, nagkaroon muna ng Summit bago dumating ang bagyong Milenyo. Hindi ko eksaktong maalala kung anong event ang meron pero alam kong maraming mahahalagang delegado ang darating galing sa ibang bansa. Natural na sila ay manggagaling sa NAIA kaya isa lang ang dadaanan nila pagkagaling doon, ang Baclaran. Nagulat ako noon kasi ilang linggo bago ang naturang event, dumami ang construction ng mga bagong lamp posts sa kalsada ng Pasay. Nagkaroon din nga mga halaman at nilinis ang mga bangketa. Halos araw araw nga merong habulan/taguan ang mga MMDA at ang mga illegal peddlers para lang mapanatiling malinis ang bubungad sa mga bisita. Natuwa ako kahit na alam kong dahil lang sa mga bisita kaya parang nahimasmasan ang administrasyon ng Pasay kaya bigla nila itong pinaganda. Tila ba nahawa na sila sa pinapagandang Maynila. Nakakatuwa na sana pero...
Natapos ang event ay parang nakalimutan na nilang tapusin ang nakabinbing gawain. Halatang nanakaw na ang ibang palamuti nito at ang mga "bagong tanim" na halaman, itinanim para maapakan at mamatay sa uhaw. Marami talaga doon ang hindi na napakinabangan. Marami nga roong maliliit na ilaw na kung hindi basag ay nasuksukan na ng mga plastic at kung anu-anong basura. Ni hindi ko man lang nakitang napailaw ang mga lamp post.
Magkano ba kasi ang isang lamp post? Bukod sa kuryente, syempre kailangan matibay rin ito lalo na at daanan ng bagyo ang bansa natin. At syempre, para mas maganda, bibili tayo sa ibang bansa. Mahal na nga, madali pang mapuslit ang overpricing. Typical na notion ng isang pinoy na basta galing abroad, mas mahal at mas maganda. Wala nga namang makakahalata.
Ang masama nito, kahit saan maraming ganito. Maraming lamp post na wala namang silbi. Meron ngang lugar sa Tondo na sinabi nung matanda sa akin na delikado doon dahil kahit anong gawing pagpapalit ng bumbilya ng mga lamp post na ito ay binabasag naman ng mga masasamang loob para mas madaling makapagnakaw. Mahal at wala nang silbi. Parang gusto mo tuloy sabihin, 'Ano ka, mayaman?!'
Public Toilet
One word. Eww. Sobrang nakakadiri ang mga public toilet natin. Actually hindi lang talaga yung mga toilet na tustos ng gobyerno. Isama na rin natin ang mga nasa mall, fastfood restaurants at ang mga pink urinals na kung hindi 'Out Of Service' ay nakakasulasok ang amoy.
Nung nagbabyahe pa ako halos masuka suka ako sa urinal ng mga dyan sa Pasay. Mas maigi siguro na huwag ko na lang idescribe ang itsura. Hint: Bukod sa masangsang na amoy ay matatakot ka pang baka madulas ka if ever you'd get too near...
Kahit sa ilang mall, Star City, gas station, mrt, public toilets na may bayad kitang kita kung sino sino ang nagpunta ron. Kahit gusto mong mainis sa mismong management ng mga ito mas maiinis ka rin kasi sa kung paanong pinapakita ng mga iresponsableng mga nilalang ang paggamit nito. Ang simple simple ng sabi, itapon sa tamang basurahan ang used toiletries, huwag na huwag sa mismong toilet bowl dahil babara, huwag apakan ang toilet, pagbuhos/flush pagkatapos at ang tamang pagkonsumo ng tubig. Baboy ang ugali ng mga ganitong tao. Parang walang banyo sa bahay. And to think na nasisikmura nilang gawin ang mga bagay na kahit bata alam kung ano ang tama.

Comments
Post a Comment