College (12.05.2007)
"Napurnada na naman ang pangarap kong mag-college," Yan ang narinig kong linya minsan pagsakay ko sa jeep papasok ng trabaho. Dalawang malamang ay kaedad o kaya ay mas matanda lang sa akin ng kaunti (yung nagsabi kasi ng nasa taas ay nagbanggit na ang kapatid nya sa kursong Computer Engineering ay nag-O-OJT na, kasabay ng kapatid ko). Pareho silang nakauniporme na kulay ube, tanda na doon sila nagtatrabaho sa isa sa mga factory sa hilera ng Aguinaldo Highway. Bigla akong nalungkot sa narinig at biglang naikumpara sa sarili. Heto ako at nagtatrabaho sa isang kumpanya na naayon sa natapos ko at heto sya sa aking harap na ni hindi man lang ata nakatuntong ng kolehiyo. Malamang ay panganay pa sya katulad ko pero ang pinagkaiba namin ay sya, nagbigay daan sa pag-aaral ng nakababatang kapatid habang kaming tatlo ginapang sa pag-aaral ng aming mga magulang. Naisip ko tuloy, pagkatapos ng kontrata ko rito sa kumpanyang pinagtatrabahuhan ko, bukod sa biglang taas na ng expec...