For Public Use Only
note: uhm di pa po to tapos. but this article i wrote was ages ago. I thought I should do myself a favor and post it na lang. waheheh... apologies... Aguinaldo Highway Kung nakatira ka sa Cavite, hindi mo kailanman mamimiss ang Aguinaldo Highway. Simula ng mag-college ako at magkatrabaho, mas matagal na ang ginugol kong oras sa daanang ito kaysa sa bahay. Paano banaman, ilang oras na byahe rin ang tinatagal ko rito makapasok lang (Pero syempre, mas madalas na ako ngayon sa Daang Hari). Marami na ang nakinabang at patuloy na nakikinabang dito. Andyan yung mga nagdedeliver ng goods, yung mga trabahador na nakatira sa Cavite at namamasukan sa kalakhang Maynila, mga akyat-bus vendors, malls, eskwelahan atbp. Ang laki nga ng naitulong nito sa akin. Dito, nagiging madali para sa akin ang pagiisip ng mga maaring isulat, ireview ang mga nangyari ng buong araw at makapahinga na rin kahit papaano sa maghapong pagpunta-punta ko sa kung saan-saan. Pero syempre andyan na rin yung sinisi ko n...